Christmas Banquet (Ni Bb. Pastera)

Bonggang Banquet sa Paskong Tanging Kay Kristo!

Selebrasyong Puno ng Pagpapala! – Marilyn Pastera

Taun- taon ay nagsasagawa ng isang pangkalahatang salu-salo rito sa paaralan ng Febias College of Bible. Ang bawat isa , guro man o estudyante, at mga mangagagawa ay abala para sa okasyong ito.

Gabi ng Disyembre 18, 2009 ginanap sa malawak na Edsa – ang madalas na tawag sa harapan ng Treausre Hall- ang programang may temang Pasko Tanging Kay Kristo. Naging bukas din ang selebrasyong  ito sa mga bisita  tulad ng mga “alumni” at mga kapamilya at ka- “churchmate” ng bawat estudyante at guro.  Makikita sa bawat isa ang kasabikan para sa programa at mga naggagandahang kasuotan.

Sa umpisa pa lamang ay puno na ng pagpapala ang halos lahat dahil nagging libre sa bawat “Febias Family” ang pagdalo dito. Ang unang parte ng programa ay nagdulot agad ng kagalakan sa puso ng bawat isa pagkat ito’y pag-aawitan ng mga pamaskong awit na pinangunahan ni Dir. Santillan. Ang mga  handog na natatanging bilang ng mga bata at mga BBC na estudyante ay tunay na kagiliw-giliw. Ang mensaheng hatid ng gabing iyon ay tunay na naglagay ng inspirasyon at aral sa puso ng bawat isa.

Pagdating ng kainan, lahat ay nagsaya dahil talagang  masasarap at nakakabusog ang aming pinagsaluhan na biyaya. Napuno lalo ng tawanan at kasiyahan nang mag-umpisa na ang paligsahan ng bawat “prayer band” para sa kani-kanyang presentasyon. Hindi doon nagtatapos ang kaligayan dahil ang sumunod ay ang pamimigay ng regalo. Maraming estudyante ang nabiyayaan ng regalo katulad ng bag, payong, bintilador at marami pang iba. Hindi lamang kagamitan, mayroon ding pera at isang kabang bigas!  Bata , estudyante , mangagagawa ay nakatanggap ng mga biyayang ito. Hindi man lahat nakatanggap ng regalo, umuwi ang lahat na may baon na kagalakan sa puso at ngiti sa labi sa labis na pasasalamat sa Panginnon dahil ang lahat ng pagpapalang aming naranassan ay sa Kanya lamang nagmula!

~ by febiasretorika on February 24, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: