Christmas For Christ 2009!!! (Ni Bb. Santos)

Tuwing buwan ng Disyembre sa FEBIAS, ang Christmas for Christ o ang tinatawag na CFC ay pinakaaabangan. Taun-taon ginaganap ang CFC sa FEBIAS upang ibahagi sa ibang mga tao ang mga biyayang nagmula sa Dios na Maykapal. Ang CFC ay tumutulong sa isang “Christian Organization or Institution” na mapagkakasunduan ng FEBIAS family na tulungan.

Nagmumula sa sariling bulsa at sa tulong ng mga sponsors ang halaga na ibibigay upang makatulong sa napiling institusyon. At higit sa lahat, ang pusong marunong magbalik ng pasasalamat at pusong tumulong ang pinakamainam na kailangan sa CFC upang matupad ang layunin na ito.

Sa taong ito, ang “Binuangan Christian Academy” ang napiling tulungan ng FEBIAS family. Nagkakaroon din ng dalawang gabing konsyerto na syiya ngang kamangha –mangha’t nakakapagpala. Ang konsyerto ay pinamagatang “Heaven’s Throne”.

At sa huling gabi ng CFC 2009, ibinigay na sa Binuangan Christian Academy ang halagang makakatulong sa pagpapaganda at pagsasa-ayos ng kanilang eskwelahan upang makatulong sa mga mag-aaral. Naging matagumpay ang gawaing ito sa tulong ng bawat isa na naging parte ng CFC 2009.Tunay nga na napakasarap  tumulong sa ating kapwa Kristyano.  Sa diyos ang lahat ng papuri’t pagsamba!

~ by febiasretorika on February 24, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: