Library Time (Ni G. Lucena)

Noong nakaraang Enero 16, taong 2010 nang ipatupad ng Administrative Committee ang pagkakaroon ng Library Time sa lahat ng estudyante mula Lunes hanggang Biyernes, ala singko ng hapon hanggang siete ng gabi sa loob ng Wisdom Hall.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito’y naipatupad? Ano kaya ang reaksyon ng mga mag-aaral?

Ayon sa pahayag ng Dean of Student Affairs, Ptr. Feliciano Espino Jr. noong kanyang ideklara ang bagong polisiya, bumaba umano ang mga ‘Academic Performance’ at grado ng karamihan ng mga estudyante. Hindi ginagamit ng mga mag-aaral ang oras para sa pag-aaral at kung saan-saan nababaling ang kanilang atensiyon bagkus sa pag-aaral. Kung kayat napagdesisiyunan ng mga may kapangyarihan ang pagkakaroon ng Library Time upang gamitin ng mga estudyante ang tamang oras para sa tamang pag-aaral.

Ang pagkakalimbag ng bagong polisiya na ito ay may mga mabuti’t di mabuting dulot para sa iba.  Ayon sa aking pananaliksik (survey) mula sa mga estudyante, ito ang kanilang mga reaksyon:

Magsimula tayo sa mga positibo;

  • ‘Library time’ ay oras para sa pagsama-sama o “Fellowship”
  • Ito ay tamang oras para magkaroon ng “Study Habits”
  • Ito ay tama para sa mga tamad mag-aral
  • Ito ay naguudyok sa akin para mag-aral ng maigi
  • Ito ay makakatulong para marami pa akong libro/aklat na mabasa
  • Ito ay “Sharing Time”
  • Produktibo para sa akin

Ito naman ang mga negatibong reaksiyon ng ilan;

  • Library Time ay “pressure” para sa akin
  • Wala nang oras para makapagpahinga dahil dito
  • May mga distraksyon mula sa mga katabi habang nag-aaral
  • “Hindrance” para sa Basketball Time
  • “Restricted”
  • Hindi ako komportable
  • Hindi “conducive” ang lugar
  • Feel namin kami ay “suppress”
  • Maingay
  • Hindi maka-focus dahil sa dami ng estudyante

May mga suhestyon naman ang iba;

  • Tanggalin ang Monday Library Time para makapagpahinga mula sa CS
  • Wala na lang Library Time muli ang “Uppperclass”
  • Magdagdag ng “Fans at Aircon”
  • Maging “friendly” ang staff
  • Magkaroon ng TV sa isang lugar upang makapakinig at hindi mahuli sa Balita

Ikaw, anong reaksiyon mo habang binabasa ang artikulong ito? Saan ka panig?

Naniniwala ako na ang pagpapatupad nito ito ay may dahilan. Ito ay kalooban ng Diyos para sa Kanyang mga minamahal na anak dito sa FEBIAS bilang disiplina sa pag-aaral at magkaroon ng tamang pag-gamit ng oras na inilaan sa atin ng Poong-Maykapal. Ika nga, “Sulit ang matatamasa ng taong matiyaga at masipag na dulot ay galing at talino tungo sa kaunlaran ng kanyang buhay magpakailanman.”

“Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios manggagawang walng anomang ikakahiya na gumamit ng matuwid na salita ng katotohanan.

-2 Timoteo 2:15

~ by febiasretorika on February 24, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: