“NARITO AKO!” (Bb. Pastera)

Ika – 6 ng Pebrero  ganap na  alas sais ng umaga nag-umpisang tipunin ang lahat ng  mga kabataang kasali sa  Youth Challenge na pinamagatang “Narito Ako ”                                                                                                                                                                                                                                                   na   hango sa Isaiah 6:8.

Hinati sa tatlong grupo ang mga kabataang susubukin sa Faith walk. Ang mga “ non- church delegates”  ay dinala sa FCDC samantalang ang  mga kabataang kabilang sa “church delegates” at ang grupo ng ilang mga bata sa elementary ay sa Febias ginanap.

Ang Faith Walk ang isa sa mga pinakahihintay na ibent kapag mayroong  camp para sa mga kabataan. Ang bawat estudyante ng Febias ay nagkaroon ng mahalagang parte at partisipasyon sa nasabing ibent. Ang iba ay nagbigay ng mga ibat-ibang pagsubok sa mga kabataang naglalakad ng nakapiring ang mga mata sa tali. May pagsubok na iinum ka o kakain ng kakaibang pagkain na tiyak na di mo magugustuhan ang lasa. Mayroong naming tatalian ka sa leeg ng lubid at tatalon ka ng mataas. Hindi rin nawala ang “trustfall”na aming tinatawag kung saan magpapatihulog ka mula sa mataas na lugar.

Sa ibat-ibang pagsubok na nabanggit, iba  iba ang mga nagging pagtugon ng mg kabataan. Mayroong umiyak at sinuko na ang hawak na bato, mayroon din naming umiyak noong una pero tinuloy pa rin ang pagsubok. May mga kabataang ipinakita ang kanilang pagtitiwala sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtanggap ng ibat-ibang hamon. Mayroon din naming naunahan ng kaba kaya isinuko na lamang ang bato. Kahit ang mga bata na nagdaos ng Faithwalk sa gilid ng chapel ay naging maayos din. Hindi nagging hadlang ang kanilang murang eded harapin ang mga hamon ng nasabing ibent.

Hindi maaring magtapos ang Faith walk kung walang magbibigay ng mensaheng puno ng hamon sa mga kabataan sa kanilang pagsunod at patuloy na paglakad sa kalooban ng Panginoon. Ibinigay ni Dean Espino ang hamon mula sa salita ng Diyos nang ang lahat ay natapos na.

Naniniwala ako na ang Panginoon ay nagbigay ng malaking aral sa mga buhay ng bawat kabataang dumaan sa Faith walk challenge na iyon.

Mabuhay “Narito Ako campers”  Purihin ang Diyos sa buhay ng bawat isa!

~ by febiasretorika on February 24, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: