SURVIVOR KA BA? (Ni Bb. Cabareno)

Survivor- mga  taong nakaranas ng matinding problema at kahirapan sa buhay at napagtagumpayan ito.

Sila ang mga taong nakaranas ng matinding sakit, nakatagpo ng trahedya, itinakwil ng mga kaibigan at mga magulang o kaya itinuring ng ibang tao na kakaiba dahil ayaw nila sa kanya.

Ang sabi ng mga sikologo ay hindi ang mga trahedya sa buhay ng isang tao ang nakapagpapatatag sa kanya kundi kung papaano niya harapin ang mga ito.

Si Ardis Whitman ay nagbigay ng ilang patnubay kung papaano maging matagumpay sa mga pagsubok. Ang una ay “gawing nakagawian ang pagiging masaya”. Ang matagumpay na tao ay nagpapatuloy at ginagawang kawiliwili ang buhay kahit na maraming balakid. Hindi siya natatakot na harapin ang pang araw araw na hamon ng buhay ano man ang dumating. Tinatanggap ang mga maliliit man o malaking tagumpay at sa kabila ng kasawian, kagandahan ng buhay ang nakikita.

Kahit na ang mga taong nakaranas ng matinding pag-uusig ay nagkukwento ng kanilang natagpuang kagalakan sa kabila ng pag-uusig. Halimbawa na dito ay si Hesu Kristo na binala patayin ni Hirodes noong sanggol pa lamang Siya. Inusig siya ng mga kapwa niya Hudyo ngunit hindi siya nagtanim ng galit sa mga umusig sa kanya. Nagawa pa rin niyang magkwento ng magagandang mga bagay sa kapaligiran sa pamamagitan ng mga parabula. Pinagtawanan siya dahil sa kakaiba niyang talento at talino. Itinuring siyang baliw ng mga eskolar at iskriba. Itinakwil siya ng kanyang mga kaibigan at higit sa lahat, Siya’y tinawag na isang kriminal. Sa kahulihulihan ay ipinako siya ngunit hindi siya tumigil. Nagpatuloy siya sa kanyang pagmamahal sa sangkatauhan.

Wala tayong dahilan upang hindi mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay dahil iniwan sa atin ng ating Panginoon ang isang dakilang halimbawa.

Ang pangalawang patnubay upang maging matagumpay ay“pagtuwid ang mga kamalian” (straighthening), pagbitiw ng mga kinikimkim na mga galit, poot at lungkot (releasing), at pagtalikod sa mga masidhing karanasan dulot ng kahapon (turning away from the trap) Kung ating uubusin ang ating lakas sa mga walang kabuluhang mga bagay na dulot ng kahapon, marahil wala na tayong lakas upang harapin ang ngayon.

Walang sinuman ang pwedeng magbalik ng kahapon. Ang ating panahon ay ang tanging ngayon at ito’y hindi na magiging atin pagdating ng bukas.

Hindi madali ang maging “survivor” ngunit kung mayroon tayong determinasyon upang pumaimbabaw sa mga pagsubok at paglabanan ang mga ito na kasama ang Diyos, pwede mong masabing SURVIVOR AKO.

~ by febiasretorika on February 24, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: