ANG UWAK NA NAGPANGGAP (Ni G. Domingo)

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa.  Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba’t ibang kulay na taglay niyon.  At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba’t ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak.  Pagkuwa’y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, “Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!”

~ by febiasretorika on February 25, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: