BABALIK KA BA? (Ni Bb. Camain)

Matapos ang napakahabang tawanan ay ang tanong na unti-unting nakapagbalik ng nakaraan. “Naalala mo pa ba ito?” Napangiti ako dahil parang baha na umapaw agad ang nakalipas na mga panahon na may kinalaman sa hawak niyang larawang pinakatagu-tago ko. Ang larawang halos niluma na ng panahon ngunit ang silbi at importansya ay higit na tumitimbang ng mabigat sa bawat segundong nalalagas mula sa calendaryo ng panahon.

Ang nakalipas ay parang lumipas sa loob lamang ng isang kisap mata kung aking iisipin. Mabilis hindi na lamang gumaya sa tikatik ng ulan sa bubong na dati ay butas-butas ngunit natagpian na rin pagkalipas ng mga araw ng may pagunlad. Hindi ko, narin namalayan na kay bilis na pumuputi ang aming mga buhok at unti-unting kumukulubot na ang mga balat na nagpapaalalang umiikot pa rin ang mundo kahit hindi na ako gaya ng dati.

Umagos ang nakaraan at unti-unting pinuno ang aking diwang dati rati’y siya lamang ang laman. Kay laki nga ng mga pagbabagong hindi ko rin ina-asahan dahil sa pag-asang maari pa kaming bumalik sa mundo mula sa nakaraan. Ako nga’y mula sa lahi ni Adan hirap sa mga pagbabago na bumabago sa tao. Natauhan ako na bumalik sa kasalukuyan ngunit naroon ang hatak ng mga bagay na matagal na panahon mong pinahalagahan.

Nakatunghay lamang siya sa akin at naghihintay ng kasagutang maaaring makapagpabago sa aking kasalukuyang matagal ko ring binuo para sa sarili kong iba ang higit na pinahahalagahan. Nanaig nga lamang ang aking emosyon at sumagot ng “Oo, oo naman.” Napangiti ko siya ng napakatamis. Nahiling ko tuloy na sana’y noon pa ito nangyari. Nakakapanghinayang at ngayon lamang nagkatotoo. Marahil ganoon talaga ang tadhana.

Makikita sa kanyang mukha na naaalala niya pa rin ang mga sandaling nagpaparamdam ng aking kahinaan, mga halakhakang nagpapaluwa sa aming mga gilagid, mga lakarang wala namang iniisip na paparoonan, mga pagkaing ni sa hinagap ay walang makakaisip na umimbento at ang relasyong higit na pinagtibay ng mga pagsubok na sa araw-araw ay magkasamang hinarap at nilutas ng may nakapaskil na ngiti sa labi.

Malakas na katok ay narinig at pinagkaabalahang pagbuksan ang sinumang nasa likod ng pinto. Bago pa man malakalayo ay pinigilan sa paghawak sa braso at sabay niyang tanong, “Babalik ka di ba?” natigilan sa tanong na nagbabanta ng pangangailangan sa pagbitgaw ng isang pangakong daspat tupdin ano man ang mangyaring kalamidad o pagkakataon. Dala ng pagkakaibigang walang kapantay ay tumango.

Napagbukasan ang taong hindi rin naiiba sa amin sapagkat parte rin siya sa mga kwento sa likod ng niluma na ng panahong larawan. Nagkamustahan pnumandali at nagkatawanan ng halos hindi na makapasok sa paguunahang makapagbalita ng mga balitang bago sa pandinig na higit na nakakapagbigay ng kulay sa buhay na puno ng mga kwentong samu’t-sari man ay nauuwi rin sa iisang wakas na hindi kaiba sa lahat.

Naglakbay ang kwentuhan at kung saan-saang lupalop ng mundo’y naglagalag at dumalaw. Bumalik rin sa panahong andoon ang mga taong aming pinahahalagan na nakaukit na sa puso ng nakararami. “Ako pala’y may sasabihing tiyak na iyong ikalulungkot,” ang wika niya. Wala pa’y nalukuban na ng lungkot ang aking dibdib sa mukha pa lamang niyang umiba ang timpla at hugis. Ang balita’y totong ngang kakaiba sapagkat kaiba sa nakaraan.

“Bhung, si Vian ay lumipat na ng tirahan.” hindi ko maintindihang sabi niya pagkat ako’y hindi makapagproseso dahil sa nakaraang akala kong ikakamatay ng mga neurons sa aking pinakamamahal na utak. Naguliminahan at natauhan sa mga bagay na  parang imposibleng mangyari gayong alam kong ang tinutukoy ay ang kausap ko taas na hiniling ako’y bumalik. Natanong ko tuloy nag sarili ko, “babalik ba ako?”

~ by febiasretorika on February 25, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: